Donaire nadepensahan bantamweight title; Gaballo pinatumba

NAITAWID ni Nonito Donaire ang kanyang World Boxing Council bantamweight title matapos mapatumba ang kapwa Pinoy na si Reymart Gaballo sa laban nila nitong Linggo (Manila time) sa Los Angeles.

Napatumba ng 39-anyos na si Donaire si Gaballo sa ika-apat na round matapos pakawalan ang isang left hook. Si Gaballo, 25, ay sandaling nanatili habang nakaluhod bago muling nakatayo, ngunit natumbang muli dahilan para tapusin na ng referee ang laban.

Nakapagtala si Donaire ng rekord na 42-5 at 28 KOs.