Jayson Mama bigo masungkit unang world boxing title

BIGO ang Filipino boxer na si Jayson Mama na maiuwi ang kauna-unahang titulo matapos siyang talunin ng Briton na si Sunny Edwards via unanimous decision sa kanilang IBF flyweight fight sa Coca-Cola Arena sa Dubai Linggo.

Naidepensa ni Edwards ang kanyang korona matapos magtala ng 117-110, 118-109, 118-109.

Tinalo ni Edwards si Mama sa ika-10 round. Ito ang ikatlong laban ni Mama sa labas ng Pilipinas.