Pinas nakaligtas sa Australia; tuloy ang laban sa AVC 5th spot

TULOY pa rin ang laban ng Philippine national women’s team para sa ikalimang pwesto sa Asian Volleyball Confederation Cup matapos nitong matalo ang Australia Linggo sa Philippine Sports Arena sa Pasig City.

Naging mabigat ang laban ng Pilipinas sa laro nito kontra Australia na natapos ang limang set na may iskor na 21-25, 25-19, 19-25, 25-18, 15-12.

Dahil dito, maglalaro ang Pilipinas para sa ikalimang pwesto laban sa Chinese Taipei, na tumalo naman sa Iran, sa Lunes, ala-1 ng hapon.

Nitong Sabado, natalo ang Pilipinas ng Thailand, na as of posting time ay nakikipaglaban sa China.