Lydia de Vega nasa ‘very critical condition’

UMAPELA ng dasal at tulong ang pamilya ng dating Asia’s track queen na si Lydia De Vega na ngayon ay nasa “very critical condition” dahil sa stage 4 breast cancer.

Ito ay ayon mismo sa anak ni De Vega ng dating DLSU volleyball player Stephanie “Paneng” Mercado-De Koenigswarter, matapos itong mag-post sa social media ngayong Miyerkules hinggil sa lagay ng ina.

“She was diagnosed with [breast cancer] in 2018 and has been silently fighting the disease for the past four years,” ayon sa kay Mercado-de Koenigswarter.

“As the disease is progressing, her condition is quickly worsening despite undergoing many procedures including brain surgery,” kwento pa ng anak ng track legend ng Pilipinas noong 1980s.

Tumatanggap ang pamilya ng donasyon sa pamamagitan ng BPI account number 3209095644, ayon pa kay Mercado-de Koenigswarter. Maaari rin anya silang makontak sa 09196005224.