Ateneo binawian ang UP; maghaharap sa ‘do-or-die’ 

HINDI pa tapos ang laban matapos bawian ng Ateneo Blue Eagles and UP Fighting Maroons sa Game 2 ng kanilang best-of-three championship ng UAAP Season 85 sa Smart Araneta Coliseum nitong Miyerkules.

Tinalo ng Ateneo ang UP sa iskor na 65-55.

“We lived to fight another day,” ayon kay Blue Eagles Coach Tab Baldwin matapos hindi palagpasin ng kanyang koponan ang Fighting Maroons na iuwi ang korona sa second game ng championship.

Binuhat ni Ange Kouame ang Blue Eagles tungo sa panalo matapos magbigay ng 19 points, 11 rebounds, three blocks, and three steals, habang si Kai Ballungay naman ay nakapag-contribute ng 15 points.