1 ‘tagay’ na lang, Ginebra champion na!

ISANG panalo na lang ang hinihintay at tatanghaling kampeonato na ang Barangay Ginebra sa PBA Commissioner’s Cup nang maipanalo nito ang Game 5, 101-91, sa laro laban sa Bay Area Dragons nitong Linggo ng gabi sa SM Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Naitawid ng Ginebra ang laban ng makapag-shoot ng sunod-sunod na triple si Stanley Pringle at mapababa ang 18 lead ng Dragons.

Nakapag-contribute naman si Justin Brownlee ng 37 points habang 20 points naman ang kay Pringle.

Naniniwala ang Barangay Ginebra fans na maiuuwi na ng koponan ang panalo sa laban nito sa Miyerkules sa Smart Araneta Coliseum.

Kung papalarin, ito na ang ika-15 PBA crown ng Barangay Ginebra.