Zeinab inulan ni Ray ng P700K worth of branded items, Bible: ‘Ikaw pa lang, regalo na’

FLINEX ng aktres at social media personality na si Zeinab Harake ang mga regalo na natanggap niya sa kanyang ika-24 kaarawan noong December 11.

Kabilang sa mga ibinida niya ang mga regalo sa kanya ng boyfriend na si Ray Parks Jr., na Chanel bag, Saint Laurent na shoes, Hermes slides, at Bible, na umabot sa P700,000 ang halaga

“Ikaw pa lang regalo na galing sa itaas 🥹

may sugar daddy na po ang dating sponsor,” ani Zeinab.

Sa kanyang Facebook post, lalo siyang napamahal kay Ray dahil sa pagiging generous nito.

“Alam ko nag post nako pero di ko mapigilan di mag post ng mahaba dahil sa lalaking to, grabe mag trabaho di gumagastos sa pang sarili nya pero grabe magbigay ng lahat para sakin at sa mga mahal nya,” aniya.

Dagdag ni Zeinab, hindi siya materyosang babae dahil pagpapahalaga at pagmamahal lang ay sapat na sa kanya.

“Hindi ako yung klase ng babaeng kailangan ganto, gusto ko yan, dapat ito! Bonus na lang talaga kung anong meron at happy na ako. Mas ramdam ko lang ngayon yung salitang pinapahalagahan na ako ng tama at minamahal ng higit pa sa sobra ng hindi ko kailangan humiling o humingi kaya salamat sa nag iisang lalaking mamahalin ko hanggang dulo,” sambit niya.

Nagpasalamat din siya kay Ray dahil mas lalo siyang napalapit sa Panginoon.

“Ikaw ang mas nag lapit sakin sa Dyos kaya handa akong humarap sa kanya ng ikaw ang kasama sobrang blessed ko dahil meron akong ikaw Ray 🖤,” mensahe niya sa partner.

(Zeinab Harake/Facebook)