Xyriel pinatulan basher: ‘E, bakit mo dinamay boyfriend ko?’

IBINANDERA ni Xyriel Manabat ang Instagram account at direct message ng netizen na nagkomento na hindi sila bagay ng kanyang non-showbiz boyfriend.


Nagsimula ang page-expose ni Xyriel sa netizen nang ipost niya sa Instagram ang photos nila ng boyfriend na si Nathaniel Toledo na sakay ng motorsiklo.


Sa comment section, sinabi ng isang follower niya na, “hindi kayo bagay xyriel.


Dahil marami raw siyang energy, sinagot ni Xyriel ang netizen: “Hindi rin kayo bagay ng baby daddy mo.”
Agad namang nag-DM ang netizen kay Xyriel at nagmakaawang huwag idamay ang kanyang baby.


“Girl handa akong halikan ang paa mo wag mo lang idamay ang baby ko. Hindi mo alam kung paano mo ipinahiya ang baby ko,” bahagi ng mensahe ng netizen.


Hindi naman natinag ang aktres. “Then think before you click girl. Sa tingin mo hindi mo dinamay boyfriend ko sa comment mo. You exposed yourself by commenting something na hindi mo pinagisipan possible consequences,” sabi ni Xyriel.


“Now igiguilt trip mo ko when I’m not even pertaining to your baby AT ALL. I said ‘baby daddy’ means I’m pertaining about your partner (TOO) labas dito baby mo and hindi ako mababaw,” dagdag pa ng “Senior High” star.


“DON’T INVALIDATE MY FEELINGS, MOMMA. EVER,” pagdidiin pa ng aktres.
Hindi pa doon natapos ang talak ni Xyriel.


Sa Instagram story, nag-post pa siya ng quote na, “U commented something in public then deal with the publicity u r asking for.”