Yasmien nakaiwas sa sumpa ng eclipse

KABILANG ang mag-asawang Yasmien Kurdi at Rey Soldevilla Jr. sa mga naniniwala na may hatid na kamalasan ang eclipse.

Sa Facebook post, shinare ni Yasmien kung paano siya naghanda para hindi maaninagan ng eclipse.

“Yesterday (April 8), sumunod ako sa mga payo ng karamihan na wag lumabas kasi eclipse,” kuwento niya.

“Nag pa install pa nga ako ng mga curtina para walang pumasok na aninag ng araw sa loob ng bahay namin…hindi din ako dumungaw sa bintana,” dagdag ng Kapuso actress.

Pero noong madaling araw ng April 9 ay ginutom siya kaya umorder siya ng pagkain. Lumabas siya ng bahay para kunin ang mga inorder dahil aniya ay safe nang lumabas dahil tapos na ang eclipse.

Nagulat umano siya nang makita na tumatakbo palapit sa kanya ang asawa.

“Nagulat ako kung bakit siya tumatakbo… bigla akong hinagisan ng bulaklak sa likod hahahahaha,” chika ng aktres.

Paliwanag niya nakalimutan niya na mababababaagan ang eclipse sa Pilipinas Martes (April 9) ng madaling araw pero masasaksihan ang kabuuan nito sa North America araw ng Lunes (April 8).

“Nakalimutan ko na eclipse parin pala! OMG! kasi April 9 na… sabi niyo April 8,” ani Yasmien.

“Naligo naman din ako after, so I guess na save ako ni Pangga sa sumpa ng eclipse. Ayun lang,” pahayag ng aktres.