Wish ni Kris sa birthday: No gifts, dasal lang

SIMPLE lang ang hiling ni Kris Aquino, na magdiriwang ng kanyang kaarawan bukas, Valentine’s Day, sa mga fans: panalangin para sa kanya at sa taong hindi niya pinangalanan.

Sey ni Kris, na nakikipaglaban sa isang autoimmune disease, mas kailangan niya ng dasal kesa sa regalo.

“Thank you for being so kind, generous to me but super okay lang as much as I appreciate the balloons, flowers, cakes, the fruits, the food I’m receiving, your PRAYERS are what we really want, need,” aniya.

Paliwanag niya, maraming Pinoy ang naghihirap dahil sa pandemya.

“Best birthday gift you can give me — PLEASE DON’T spend more money on me, NAKAKAHIYA and I feel insensitive to the needs of our fellow Filipinos,” aniya.

“Alam ko how much food costs have gone up plus ang mahal ng flowers kasi nga Valentine Season,” dagdag niya.

Umapela rin siya ng dasal sa isang tao na minahal nila ng yumaong kapatid na si dating Pangulong Ninoy Aquino.

“But the fact alone na all my prayers now, hindi para sa ‘kin, and I’m asking you to do the same — na siya muna and ipagdasal niyo. PLEASE REALIZE HOW MUCH THIS MATTERS TO ME,” sey pa ni Kris.