Wish ni Annabelle kay birthday boy Richard: Babaeng hindi tumitingin sa iba

TILA nagpasaring si Annabelle Rama sa manugang na si Sarah Lahbati sa birthday wish niya para sa anak na si Richard Gutierrez.

Ipinagdiriwang ni Richard at kambal niyang si Raymond ang kanilang ika-41 kaarawan ngayong araw ng Linggo.

“Ang birthday wish ko for Chard ay good health, na ilayo siya sa disgrasya. Makahanap ng lifetime partner na mag-take care sa kanya sa lahat-lahat katulad nang ginawa ko kay Eduardo (Eddie Gutierrez). Babaeng hindi na tumitingin sa iba. Iyan ang dinasal ko kanina sa Sto. Niño. Tuloy-tuloy rin ang magandang career niya. Mabigyan siya palagi ng good projects ng ABS-CBN,” ani Annabelle sa isang panayam.

“For Mond naman, sana tuloy-tuloy ang suwerte niya. Successful ang pagiging Creative Director, pati projects niya abroad, e, magtuloy-tuloy rin,” dagdag ng talent manager.