Vina Morales inspired sa bagong BF

INAMIN ni Vina Morales na mayroong bagong nagpapatibok ng kanyang puso.

“Ako naman ay masaya. Inspired ako, kinikilig, tumitibok ang puso ko,” ani Vina sa panayam sa “Magandang Buhay.”

Kamakailan ay naging usapan ang misteryosong lalaki na nakitang kasama ni Vina sa mga post niya sa Instagram.

Aniya, matagal na silang magkakilala ng guy pero nitong August lang sila uli nagkasama.

“I met him when I did a show in Hawaii 21 years ago, wala pa akong Ceana,” sey ni Vina na ang pinatutungkulan ay ang anak niya kay Cedric Lee.

“We’ve been in touch. And then bigla na lang I don’t know itong trip ko na ito, itong tour, he watched my show in Miami. And then doon na nag-start lahat, ulit,” dagdag niya.

“All the time he’s always been in touch, e-mail, hindi ko lang nababasa masyado, pati sa Instagram parang ganun. But he is really a nice guy,” sey pa ng Kapamilya singer-actress.