Vice Ganda tuloy ratsada vs Cristy Fermin

PINANGATAWAN ni TV host-comedian Vice Ganda ang tawag sa kanyang “patola queen” ni Cristy Fermin makaraan niyang paringgan muli ang veteran show biz columnist sa “It’s Showtime.”

Sa nasabing noontime show ngayong araw, napag-usapan on-air ang chika na break na sina Vice at Ion Perez sa gitna ng pagiging sweet ng mag-asawa sa harap ng madlang pipol.

“Hindi ba totoo ‘yung tsismis? Na hiwalay na kayo?” tanong ni Teddy Corpuz.

“Alam mo kung ano ang totoong tsismis? Bulok na ‘yung boses ng tsismosa. Oo, hirap na siya magsalita,” sagot ni Vice.

Ani Vice, pinakalat umano ng “tsismosa” ang balita noong pareho silang wala ni Ion.

“Kinukuwento ng staff noong wala kami na ang dami daw tumatawag, tapos tinatanong kung totoo. Lalo na ‘yung matatanda, nalungkot sila doon sa tsismis,” sey niya.

“May mga tao na masaya for us na nalulungkot ‘pag gumagawa kayo ng ganolng tsismis,” dagdag ni Vice.

Mensahe niya sa fans: “Kung alam n’yong fake news peddler, ‘wag n’yo nang pinapaniwalaan. Maa-affect kayo,”
aniya.

Humirit pa si Vice na may rekord na puro fake news ang inilalabas ng nasabing tsismosa.

Naniniwala naman ang maraming fans na si Cristy Fermin ang pinariringgan ni Vice dahil ang veteran show biz columnist ang una unang naglabas ng haka-haka na nagkakalabuan sina Vice at Ion.