Toni ginawa punching bag ng bashers; Cristy awang-awa

NAGPAHAYAG ng awa at lungkot ang beteranang show biz columnist at host na si Cristy Fermin sa patuloy na pamba-bash ng mga netizens kay Toni Gonzaga.

Sa latest episode ng “Cristy Perminute,” sinabi ni Cristy na nagtataka siya kung bakit “negang-nega” si Toni gayung hindi naman ito palaaway.

“Alam mo, naaawa ako sa kanya. Wala nang magandang salitang ibinibigay kay Toni. Puro ang pambabato sa kanya, negang nega, ‘no?” obserbasyon niya.

Pero bilib naman siya rito dahil kahit anong pambabagsak ay lalo pang umaangat ang career ng host-actress.

“Sa totoo lang, para bang si Toni Gonzaga ay dinisenyo para sa mga negatibong hanash. Pero kaysa sa bumagsak, lalo siyang umaangat, ‘no?”

Hanga rin si Cristy kay Toni dahil nananatili itong tahimik.

“Yun ang maganda. Kapag sumagot po kasi ang personalidad, meron na namang makukuha mula sa kanyang sagot ang kanyang mga bashers. ‘Yun ang iniintay ng mga bashers e, ‘yung ugat na mapagkukunan nila ng mga dahon at bulaklak,” paliwanag pa niya.