Tiyan natapik ng show biz columnist, AJ naimbyerna

NAGALIT umano si AJ Raval, ang sexy actress na napapabalitang buntis, nang tapikin ng isang host at show biz columnist ang kanyang tiyan.

Ayon sa ulat, naganap ang insidente sa press preview ng “Sitio Diablo,” ang movie na pinagbibidahan ni AJ, sa Gateway Cineplex nitong Miyerkules.

Napag-alaman na nadismaya si AJ nang lapitan ni Aster Amoyo at hawakan ang kanyang tiyan.

Itinanggi naman ni Aster na sinadya niyang “kumustahin” ang tummy ng sexy star.

“Wala akong intensiyon! I’m a very touchy person. My God, wala akong malice! Kilala ako sa pagiging touchy,” paliwanag niya.

“Wala akong malisya. Kung natapik ko man ‘yung tiyan niya, it was not intentional. Nagkataon lang. Imbes na beywang, ang tiyan ni AJ ang nahawakan ko kasi nakatayo siya, nakaupo ako nang bumati siya,” dagdag ni Aster

Giit pa ng veteran host at writer: “Hindi totoong may kinalaman sa pagbubuntis niya kaya hinawakan ko ang tiyan niya. Normal ang ikinilos ko, walang malisya.”