Ted Failon may hirit sa itsura ni Justin ng SB19; fans nagwala

HINDI pinalagpas ng A’tin, ang mga fans ng Pinoy boy band na SB19, ang mga hirit ng broadcaster na si Ted Failon sa miyembro ng grupo na si Justin.

Sa kanyang radio/TV program, iniulat ni DJ Chacha ang trending performance ni Justin sa ASAP.

Singit ni Ted: “Pilipino ba yan?” “Oo, Pinoy ‘yan,” sagot ni DJ Chacha.

“All original ‘yan ano?” dugtong ni Ted. “All original. Oo, all original,” pagtatanggol ni DJ Chacha.

“Yung kanta kako,” pagkaklaro ni Ted. “Even si Justin, in fairness,” sey ng DJ “Sana magkaroon din tayo ng grupo na hindi kataasan ang tangos ng ilong para talagang original,” sambit ng broadcaster.

Halos magwala naman sa galit ang mga fans ng SB19 sa mga pahayag ni Ted.

“Fyi mr. ted failon and idc who tf you are! Justin’s visuals are all original, walang gawa, walang enhance.. siguro alaga at skin care meron na parte ng hygiene niya! ON NATIONAL TV KA PA TALAGA GUMANYAN? Magaling ka pala hahaha.. AYOKO NA MAKIPAG AWAY OR GUMAWA NG ISSUES BUT NOT MY JUSTIN.”

“FYI, Mr. Ted Failon, all NATURAL ang kagwapuhan ni Justin De Dios. Nasa lahi nila yan. As a “journalist”, you should know the FACTS before you talk like that on national TV.”

“Nakapaignorante naman ng Ted Failon na yan. Research muna bago buka ng bibig. Respetado kang mamamahayag pero bastos pala! Dami tuloy galit sa iyo.”

“May problema sa ilong ni justin? Natural  na natural yan. Pag inggit pikit.”

“Si manong parang hindi nag-grade 2.”

“Uhm manong medyo off po yung comment nyo? Sablay big time. Kelangan ba maging pango ang ilong para tawagin pinoy? Uhmmmm… try again sir  Ted Failon.”

“Naawa tuloy ako kay Sir Ted, hindi alam kung anong pinasok na gulo… Pero Sir, congrats, sumikat ka na ule.”

“Petition to apologize, mga bastos.”

“Ted Failon inggit ka ba? Ang laki ng problema mo. Hindi ka ba happy sa life mo?”

“Pakihanap muna ng pinagkatandaan…. malapit lapit na tayo sa dapit hapon oh…. Hindi kc lahat ng pinanganak na pinoy ka ilong mo!!”