Sylvia kina Ria, Zanjoe: Perfectly matched

“OVERFLOWING with joy” ang puso ng veteran actress na si Sylvia Sanchez sa engagement ng anak na si Ria Atayde kay Zanjoe Marudo.

Sa kanyang Instagram account, ni-repost ni Sylvia ang photo ni Ria na ipinakikita ang engagement ring habang katabi sa kama si Zanjoe.

“Perfectly matched,” caption niya.

Sa hiwalay na post, nagbigay ng mensahe ang aktres sa anak.

“Happy ako sobra sayo Potpot Sophia Atayde…Deserve mo yan dahil napakabuti mong anak ❤️,” wika ni Sylvia.

Nitong Martes ay kapwa kinumpirma nina Ria at Zanjoe ang kanilang engagement. “Forever sounds good,” sabi ng magkasintahan.