Cristy, Xian tutuluyan ni Bullet Jalosjos

INIHAHANDA na ng kampo ni Dapitan City Mayor Bullet Jalosjos ang patong-patong na kaso na isasampa laban sa mga showbiz insiders at social media personalities na nagpahiwatig na may relasyon ang opisyal at ang aktor na si Dominic Roque.

“(Mayor) Bullet is currently exploring all available legal actions,” ayon sa abogadong si Maggie Garduque, legal counsel ni Jalosjos.

“The allegation against him is not only defamatory but blatantly false. Gagawin niya ito not only to protect his interest but to ensure that this will not happen to someone also. For him this is already too much abuse of freedom,” dagdag ng abogado.

Matatandaan na ilang linggong naging laman ng balita at blind items si Jalosjos na tinawag na “sugar daddy” ni Dominic matapos umano nitong bigyan ng condominium unit ang aktor.

Kumalat din sa social media ang mga litrato nina Jalosjos at Dominic na in-edit para palabasin na sweet moments ang mga iyon.

Nauna nang sinabi ni Jalosjos na binabalak niyang gumawa ng legal action sa mga nagkakalat ng mga malisyong balita.

“We’re doing this for public or anything, or fame. We don’t need it,” aniya.

“Ang amin lang talaga sana hindi maapektuhan ‘yung mga people around us also. For us to come out and say na kahit papano hindi talaga totoo e ‘yung nangyayari e. That’s why we want to clarify that,” dagdag pa ng alkalde.

Kabilang sina Cristy Fermin at Xian Gaza sa mga personalidad na nagpahiwatig na may nagaganap sa pagitan ni Jalosjos at dating fiance ni Bea Alonzo.