Sharon nabitin, humirit ng isa pa kay Coco

UMAPELA si Megastar Sharon Cuneta kay Coco Martin na gumawa ng special episode ng “FPJ’s Ang Probinsyano” dahil nabitin umano siya at ang publiko.

Sey ni Sharon sa Instagram, mas okay kung may Book 2 ang action-drama teleserye para malaman kung ano ang nangyari sa mga karakter na sina Mara at Aurora.

Ginampanan nina Julia Montes at Sharon ang mga nasabing papel.

“Tinext ko ang anak kong boss namin na si @cocomartin_ph kahapon. Sabi ko gawa kami special episode kasi bitin loveteam nila ni Mara at pagkikita ng pamilya nila Oscar Aurora at Mara!” sey ni Sharon.

“Natawa lang anak ko at miss na daw nila ako. Eh kasi sabi ko dami nabitin lalo na ako!” dagdag niya. “Coco anak, basahin mo comments sabi sayo bitin sila eh!”