SB19 hataw sa Billboard Hot Trending Songs chart

HUMATAW ang Pinoy pop na SB19 sa Billboard Hot Trending Songs chart matapos itong manguna at mapatalsik sa pwesto ang global sensation na K-pop group na BTS.

Umakyat sa unang pwesto mula sa top 8 spot ang SB19 para sa kanilang kanta na “Bazinga” at inungusan ang “Butter” overtaking “Butter” ng BTS na hindi natinag sa unang pwesto simula nang i-launch ang nasabing kanta.

Pero sa report ng Billboard nitong December 7, inungusan ng Pinoy group ang BTS sa nasabing chart na ang tina-track ang global trending song sa pamamagitan ng Twitter.

Ayon sa report, nakakuha si “Bazinga” ng 1.5 million Twitter mentions mula Nov. 26 hanggang Dec. 2.

Tumaas ang mention ng SB19 dahil sa naging performance nito sa Philippine Association of the Record Industry’s 34th Awit Awards, kung saan nanalo ang SB19 ng People’s Voice Favorite Song para sa kantang “Hanggang sa Huli.”

Nominado rin ang grupo sa Best Performance by Group Recording Artists.