Sarah G sa mga magulang: Patawad po

NAG-ISYU ng public apology si Sarah Geronimo sa mga magulang niyang sina Divine at Delfin mahigit dalawang taon matapos ang pagpapakasal kay Matteo Guidicelli.

Matatandaan na inilihim ni Sarah sa mga magulang ang pagpapakasal niya kay Matteo noong February 20, 2020 sa Victory Church, The Fort, Bonifacio Global City, Taguig.

Nang malaman ang pangyayari ay sumugod sa simbahan si Mommy Divine at nagwala.
Makaraan iyon ay wala nang narinig pa sa mga magulang ni Sarah.

“Lahat ng suporta at pag-aaruga… ang inyong walang katumbas na pagmamahal, walang sinuman ang pwedeng makapagpunan po nito,” ayon kay Sara. “Mahal na mahal ko kayo, daddy at mama ko. Araw-araw ko po kayo nami-miss at naiisip.”