Middleman’ sa Percy Lapid slay pinatay gamit ang ‘plastic bag suffocation’

NANINIWALA ang forensic pathologist na si Dr. Raquel Fortun na pinatay ang “middleman” sa ambush-slay ng broadcast journalist na si Percy Lapid.

Ayon sa resulta ng kanyang independent autopsy, sinabi ni Fortun ngayong Sabado na si Jun Villamor ay nakitaan ng “history of asphyxia by plastic bag suffocation.”

Anya pa, nakitaan din ito ng “pulmonary congestion, edema, and hemorrhages.”

“Based on available information regarding the circumstances surrounding death, the manner is homicide,” ani Fortun.

Inilabas din ng Department of Justice sa social media ang screenshots ng autopsy report ni Fortun.

Binaril at pinatay si Lapid noong Oktubre 3 sa Las Pinas City. Matapos ang ilang araw, sumuko ang sinasabing gunman nito na si Joel Escorial at tinukoy ang kanyang mga kasabwat sa pamamaslang.

Matapos nito ay napaulat na namatay Villamor noong Oktubre 18 sa loob ng Bilibid.