Ruru binati si Bianca: Binigyan mo ng direksyon ang buhay ko

ISANG heartfelt message ang inalay ni Ruru Madrid bilang pagbati sa ika-24th birthday ng kanyang pinakamamahal na girlfriend na si Bianca Umali.

“Happy birthday to the most amazing woman in my life! You are truly the Yin to my Yang, My partner in laughter and My worst enemy. 

“Dahil sa pagmamahal at pag-alaga mo, binago mo ako patungo sa mas mabuting tao. Binigyan mo ng direksyon and buhay ko, dahil ikaw ang inspirasyon ko sa araw-araw. Im grateful to have you as my best friend for life and I can’t wait to see our future unfold together. 

“Hindi ako magsasawa na sabihin sayo kung gaano ka kaganda sa araw-araw at kung gaano ako nagpapasalamat na dumating ka sa buhay ko. Muli, Maligayang kaarawan sa pinaka magandang regalo na natanggap ko sa buhay ko. 

“Mahal na mahal kita, Maria Isadora Bianca!” ani Ruru sa Instagram post kalakip ng video montage ng aktres.