Richard Gutierrez dapat magpaliwanag sa bugbugan issue – Cristy

HINIMON ni Cristy Fermin si Richard Gutierrez na depensahan ang sarili dahil bugbog-sarado na umano ang aktor sa pamba-bash ng netizens kaugnay sa blind item na nanakit ito ng asawa sa harap ng kanilang mga anak.

“Ilang panahon na po naming nababasa ‘yung kuwento tungkol sa isang mag-asawa na nagkasakitan sa harap ng kanilang mga anak. Na diumano ‘yung babae ay tumakbo po sa bahay ng mag-asawang artista na kasama sa village,” pahayag ni Cristy sa kanyang YouTube show na “Showbiz Now Na.”

“Nung masaktan daw ‘yung babae, black and blue daw dahil ano daw e, binugbog daw nung asawa, tumakbo doon sa bahay ng mag-asawa. Bind item (pero) halatang-halata naman sila ‘yung tinutukoy,” dagdag ng batikang kolumnista at host.

Ani Cristy “Dapat po siguro ay kailangan maliwanagan po natin ito. Totoo ba na nananakit itong si Richard Gutierrez?

Totoo ba na kaya umuwi ang mga magulang ni Sarah Lahbati mula sa Switzerland dito sa Pilipinas, humingi ng saklolo ‘yung anak?”

Sa isa pang blind item, hirit uli ni Cristy, tila uunahan ng kampo ng aktor ang pagdedemanda sa asawang aktres dahil “hindi lang naman daw po babae ang laging nagiging biktima ng ganitong sakitan.”