Pokwang ipatu-Tulfo ex-BF: Di ko siya patatahimikin

BWISIT na bwisit na ang komedyanang si Pokwang sa pananatili sa bansa ng dati niyang live-in partner na si Lee O’Brian kahit ipinag-utos na ng korte ang pagpapa-deport dito.

Sa Instagram, isiniwalat ni Pokwang na tila may padrino si Lee kaya hindi masipa palabas ng bansa.

“[Hihilom lang ako] kapag wala na lupa ng Pilipinas yan! May padrino daw e teka lang ha. Wag ganoon. Baka ipa-Tulfo ko siya pag ganyan,” aniya.

“Hanggat nandito pa yan di talaga ako matatahimik at ganon din sya di ko sya patatahimikin! ang ikinagagalit ko yung umaapila pa sya imbes na umalis nalang at may padrino,” sabi pa ni Pokie.

Iginiit pa niya na magiging masigla lamang siya kapag nakabalik na ng Amerika ang ama ng kanyang anak na si Malia.

“Basta kailangan nya umalis para sa kapayapaan namin pareho at maibalik ko yung masiglang pokwang yung wala ng galit kasi wala na sya sa bansa ko na nagpahirap sakin ng todo,” sambit pa niya.