Pinay beauty wagi sa Miss Supermodel Worldwide

TINANGHAL bilang MIss Supermodel Worldwide ang Filipinang si Alexandra Mae Rosales nitong Linggo sa Leela Palace Hotel sa India.

Tinalo ni Rosales ang 16 iba pang mga kalahok mula sa iba’t ibang bansa.

Si Rosales ang kauna-unahang Pinay na nakapag-uwi ng korona para sa nasabing patimpalak.

Wagi rin si Kaylee Roxanne Porteges Zwart ng Netherlands bilang first runner-up habang si Miss Indonesia Nova Retalista ang second runner-up. Nasa ika-apat at ika-limang pwesto naman sina Miss France Sonia Alt Mansour at Miss Kazakhstan Alina Cheveleva.

Ang 26-anyos na si Rosales ay mula sa Laguna at nagtapos ng Tourism sa Malayan Colleges at De La Salle-College of Saint Benilde.