Patutsada kay Zeinab aprub kay Skusta Clee

NAPAKOMENTO ang kontrobersyal na rapper na si Skusta Clee sa post ng manager ni Herlene Hipon Budol ukol sa isang taong “user” at “pa-victim.”

“Kalma ma!” sey ni Skusta sa post ni Wilbert Tolentino na pinaniniwalaan ng mga netizens na patama sa vlogger na si Zeinab Harake.

Dating magkarelasyon sina Skusta at Zeinab.

Sa kanyang Facebook page, kinondena ni Wilbert ang “mga tao tlaga na sobrang galing mag paikot ng tao sa social media.”

“Magaling mag pavictim na kaya nya gamitin ang sariling trahedya for views and popularity. Kaya nya mang hikayat ng iba para kampi nya kahit cya naman talaga may problema…bait baitan sa harap ng camera kahit attitude in real life at higit sa lahat USER. Kaya gumising kayo,” dagdag ni Wilbert.

Maliban kay Skusta, nagkomento rin sa post ni Wilbert si Angelica Jane Yap o Pastillas Girl, dating kaibigan ni Zeinab.

“Parang naiyak ako nung nabasa ko ‘to. hayaan mo may hangganan din lahat ng masasama. Love you ma labaaaan,” aniya.