Parokya ni Edgar: Secondary lang ang music, friendship ang una

IPINAGMAMALAKI ng lead vocalist ng bandang Parokya ni Edgar na si Chito Miranda na tunay silang magkakabarkada at magkakaibigan ng kanilang grupo.

Bago pa ang pagiging magktrabaho nila, mas una ang kanilang pagkakaibigan, kung kayat tumagal ang kanilang samahan.

“We are stronger as a team but more than that, we are really friends ng mga kabanda ko. More than being musicians, magkakaibigan talaga kami,” ayon kay Chito.

“That’s why we never argue about music because we just love being in a band. We love being part of Parokya. And ‘yung music, hindi tulad ng ibang bands, they’re primarily musikero first. So if they outgrow each other musically, natural lang na maghiwalay sila,” dagdag niya. 

“With us, music is secondary. Barkada lang muna kami so we never outgrow each other. So ‘yun ang tumagal.”