Paolo Contis biktima ng cheating?

KINUTYA ng aktor na si Paolo Contis ang isa sa mga naging girlfriend niya na umano’y ipinagpalit siya sa ibang lalaki.

Hindi pinangalanan ni Paolo ang babae pero nagpahiwatig na artista rin ito dahil makaraan daw siyang lokohin ay nalaos ito.

“Nangyari sa akin ‘yan (cheating). Nagbakasyon ‘yung isa sa mga naging girlfriend ko tapos umuwi. Nagpadala ngayon ng photo album ‘yung lalaki parang regalo. Di siguro alam na ako ang mag re-receive. Pagbukas o puro picture nila– sunset, naghahalikan,” aniya sa kanyang “Just In” online talkshow.

“Palusot sa akin kasi photographer siya. Ano’ng photographer? Kayong dalawa nasa picture…Ayun nalaos,” dagdag niya.

Kabilang sa mga naging karelasyon ni Paolo na taga-show biz sina LJ Reyes, Lian Paz, Isabel Oli, Nancy Castiglione at Desiree Del Valle.