Pag-etsapwera sa kasalang Bea-Dominic hindi big deal kay Daniel

WALA umanong isyu kay Daniel Padilla na hindi ito imbitado sa nakatakdang kasal nina Dominic Roque at Bea Alonzo.

Ayon sa show biz writer na si Jun Lalin, isang malapit kay Daniel ang nakausap niya ukol sa pahayag ni Dominic na invited si Kathryn Bernardo sa destination wedding nila ni Bea pero si Daniel ay hindi.

“Knowing DJ, he will not react. Hindi na kailangan. Mas magtataka naman siguro si DJ kung invited siya, di ba? E inamin naman ni Dominic na hindi sila OK since 2020,” ayon sa na-interview ni Jun.

“So, hindi big deal ‘yon. Walang isyu!” dagdag nito.

Matatandaan na inihayag ni Dominic na hindi magiging bahagi ng entourage ang dating kaibigan na si DJ dahil hindi ito imbitado sa kasal.

“Si Kathryn (Bernardo), oo. Pero si Daniel, we’re not yet okay, hindi pa kami nag-uusap since 2020,” sey ni Dom.

Matatandaan na dating magkakasama sa Nguya Squad sina Dominic, Daniel, Kathryn, Patrick Sungi, Marco Gumabao, Khalil Ramos, Gabbi Garcia, Ria Atayde, Joe Vargas, Bianca Yanga, Aeriel Garcia, at Josef Elizalde.