P433K Chanel bag regalo ni Vicki Belo kay Maris

NAKATIKIM ng kanyang kauna-unahang Chanel bag ang aktres na si Maris Racal mula sa celebrity dermatologist na si Vicki Belo.

At ang presyo ng Chanel Heart Small Flap Bag: humigit kumulang P433,000!

“Still can’t believe I have a Chanel bag…you are too sweet doc @victoria_belo,” ani Maris sa Instagram post.

“You are the cutest. It makes us happy to make you happy,” komento naman ni Vicki.

Ito ang ikatlong designer bag na bigay ni Vicki sa “Can’t Buy Me Love” actress.

Ang una ay isang Gucci habang ang ikalawa ay Bottega Veneta Casette.