P100M OOTD ni Belle sa Star Magic Prom

AABOT umano sa P100 milyon ang suot ng young actress na si Belle Mariano sa Star Magic Prom na ginanap nitong Huwebes ng gabi.

Ayon sa ulat, ang suot niyang diamond necklace mula sa Luna by Drake Dustin ay may presyong P78.5 milyon habang ang earrings na mula rin sa nasabing jewelry store ay may price tag na P11.8 milyon.

Belle Mariano’s reportedly P100-M outfit. (Photo courtesy of Belle Mariano Facebook page)

Samantala, ang gown na dinisenyo ni Francis Libiran ay mabibili sa P900,000 at ang Gianvotti Rossi stiletto ay P42,000.