Presyo ng 11-kg na LPG bababa ng P100

BABABA ng P100 hanggang P101.20 kada ang presyo ng 11-kilogram na tangke ng Liquefied Petroleum Gas (LPG) simula ngayong araw, Abril 1.

Ito ay base sa isinagawang abiso ng Petron at Phoenix LPG na magbababa sila ng presyo ng kanilang LPG na P9.20 kada kilo.

Nagpahayag din ang Solane LPG na magbabawas ito ng P9.18 kada kilogram.

Samantala, bababa din ang presyo ng AutoLPG ng P5 kada litro para sa Cleanfuel; P5.14 naman sa Petro at P5.15 sa Phoenix.