Ogie Diaz kay Mommy Divine: Give Matteo a chance

PINAYUHAN ng talent manager-vlogger na si Ogie Diaz si Mommy Divine, ina ni Sarah Geronimo, na bigyan ng chance ang manugang na si Matteo Gudicelli.

Sey ni Ogie, matinong asawa si Matteo at wala itong nababalitaang nambabae ang aktor.

“Siguro, ang maisu-suggest ko para medyo kumalma, para maano ‘yung damdamin ni Mommy Divine e medyo lumambot. E Mommy Divine, bigyan mo ng chance si Matteo, mukha namang si Matteo ehl wala naman kaming nababalitaan na nambababae si Matteo,” aniya.

“Hindi naman pinapabayaan ni Matteo ‘yung kanyang anak at higit sa lahat, hindi naman ‘yan disi-sais anyos,” dagdag niya.

Iginiit pa ni Ogie na hindi naging masamang anak si Sarah at pinag-aral pa ang mga kapatid.

“Siguro naman hindi na naging masamang anak si Sarah kay Mommy Divine, di ba naibigay naman ang lahat? Napag-aral pa yung mga kapatid di ba?” hirit pa nito.