Noli de Castro balik na sa TV Patrol sa Lunes

BALIK na sa Lunes si Kabayan Noli de Castro sa TV Patrol kung saan siya ang mag-a-anchor ng live sa Quirino Grandstand para sa selebrasyon ng Pista ng Itim na Nazareno,

“Magkita-kita tayo sa Lunes. Live ho ako sa Quirino Grandstand para sa TV Patrol,” sabi ni De Castro sa kanyang programang Kabayan sa DZMM Teleradyon ngayong Biyernes ng umaga.

Makakasama ni De Castro ang iba pang anchor na sina Henry Omaga-Diaz, Karen Davila at Bernadette Sembrano.

Matatandaang umalis si de Castro sa TV Patrol matapos na ianunsyo ang pagtakbo bilang senador para sa May 2022 elections bagamat umurong din sa kanyang kandidatura.