Netizens kay Kath: Hinay-hinay sa pagwalwal

PINAYUHAN ng ilang netizens si Kathryn Bernardo na maghinay-hinay sa pag-inom ng alak makaraang mag-viral ang mga photo ng aktres na umiinom ng beer, wine, cocktails, mule, at tequila.

Sey ng mga netizens: “Don’t ruin your life… don’t make poor publicity…if you’re broken it’s ok to cry.”

“Wag mging lasinggera idol wag mo hyaan na mcra ang buhay dhil sa knya.”

“Sana hindi sya maging alcoholic kahit lunurin ng the most expensive alcohol ang sarili niya it won’t solve the emptiness and pain in her heart..Only time will tell..God bless her.”

“Magandang halimbawa yan girl shot pa more.”

Sinopla naman ng mga fans ni Kath ang mga “pakialamerang” netizens.

“Ung mga bashers ni kath masyado kayong banal nag enjoy sya malaya na sya khit mag tambling balitok sya buhay nia yan.”

“Hindi na cya bata at Minsan lang MAGING Malaya! Ginapos cya Ng 11 taong walang kwentang PAG IBIG. pagbigyan Naman natin cya na MAGING Malaya!”