Marc Pingris may pabuya sa magbabalik sa nawawalang passport

MAY naghihintay na pabuya sa sinuman na makakapagbalik sa nawawalang passport ng basketball player na si Marc Pingris.

Nitong Lunes ay humingi ng tulong sa publiko kaugnay sa pagkawala ng kanyang itim na pouch na may laman na passport at cash.

“Patulong naman po. Pls kung sino po nakakita ng passport ko at black pouch na may cash po pls pakibalik po. We are willing na magbigay po cash reward just in case ma turnover niyo po,” ani Marc.

“Pls send a DM po salamat po,” dagdag niya sa Facebook post.

Hindi na sinabi ni Marc kung ibabalik din ng nakapulot ang laman na cash.