Publiko na-touch sa wedding vow ni Angelica

MARAMI ang na-move sa wedding vow ni Angelica Panganiban para sa asawang si Gregg Homan.

Sa Instagram, shinare ng The Aivee Clinic ang vow na puno ng pagmamahal at pasasalamat ni Angge kay Gregg.

“Ilang beses din akong nadapa, nasaktan, umiyak, pero ni minsan hindi ako sumuko sa pag-ibig. Alam ko na darating din ang panahon na ibibigay din sa akin ng Bathala ang karapat-dapat at dumating ang araw na hindi ko malilimutan. Dumating ka. Ikaw ang naging sagot sa lahat ng bakit ko noon,” naiiyak na sabi ni Angelica.

“Dahil sa’yo naging sapat ako. Salamat dahil hindi lang ikaw ang dumating. Dumating ang isang tao na hihigitan pa ang kapasidad kong magmahal nang dumating si Bean sa buhay natin.

“Pangakong hindi na ako matatakot at sasanayin ko na ang sarili ko na may nagmamahal na sa akin ng totoo at nag-aalaga ng wagas. Kasi ang sarap pala kapag nasusuklian ang lahat ng ibinibigay ko. Habang buhay, mahal kita,” ani Angelica.

Ikinasal sa ikalawang pagkakataon sina Angelica at Gregg sa Siargao nitong Sabado. Naganap ang una nilang wedding sa California noong December 31, 2023.