Macho dancer kiss lang daw habol kay Cianne

HUMINGI ng tawad ang gay bar dancer na si Shervey Torno sa “It’s Showtime” host na si Cianne Dominguez sa ginawa niyang pambabastos dito.

Nakakulong sa Quezon City Police District station 10 si Torno makaraang sampahan ng kaso ni Cianne.

Sa isang panayam, inamin ni Torno na nagandahan daw siya sa TV host kaya nanghingi siya ng halik.

“Sinundan ko siya. Hiningi ko ‘yung pangalan. Sinabi ko na pa-kiss ako, tapos bandang huli sinabi dito sa pulis na hinawakan ko daw balakang n’ya, e hindi naman po totoo,” pahayag niya.

“Tsaka po pinasok ko raw siya sa unit niya sa condo, di totoo iyon,” depensa pa ni Torno.

“Kaya ko tinulak nang konti ‘yung pinto kasi inipit niya yung paa ko,” dagdag niya.

Gayunman, humingi siya ng tawad at pasensya sa biktima at sa pamilya nito.