Lyca ‘iniwan’ na ng boyfriend

INIHATID sa airport nitong Huwebes ng singer na si Lyca Gairanod ang kanyang boyfriend na tatlong buwan na mamamalagi sa US.

Ibinahagi ni Lyca sa Facebook ang video ng pamanaalam sa kanya ni Kyle Walle na nangako na babalikan siya.

“Bye bye na ingat ka sa US,” caption ni Lyca sa post.

Mapapanood sa video na bago pumasok ng airport si Kyle ay hinalikan nito ang girlfriend.
Hindi pa nakuntento, niyakap niya si Lyca bago tuluyang naglakad.

Kumaway naman ang dalaga sa papalayong si Kyle.

“Hahaha. Ang OA,” ani Lyca sabay sabi sa mga iba pang naghatid na hindi siya iiyak.

Hindi naman nagpakita ng lungkot ang singer sa pag-alis ng boyfriend.

“Three months siya doon tapos uuwi rin siya dito. Hahaha,” sabi lang niya.