P31.5 smuggled na frozen meat products nakumpiska sa MICP


NAKUMPISKA ang P31.5 smuggled meat products mula sa China sa Manila International Container Port (MICP) na idineklarabilang “frozen prawn balls.”

Sinabi ng Department of Agriculture na nakatanggap ang opisina ng DA Inspectorate and Enforcement ng impormasyon kaugnay ng kahina-hinalang laman ng tatlong container van.

Sa isinagawang inspeksyon ng DA at Bureau Customs, tumambad ang mga frozen na karne ng baboy at manok. 

Ayon kay Agriculture Assistant Secretary for Inspectorate and Enforcement James Layug na nakapangalan ang mga kontrabando sa Victory JM Enterprise.

“This may be considered as Technical Smuggling under the Anti-Agricultural Smuggling Act of 2016 (R.A.10845),” sabi ni Layug. 

Idinagdag ni Layug na nakatakda ring inspeksyunin ang iba ang container van na nakapangalan sa kaparehong consignee.