Lolit gustong ma-cremate kasama ng pet dog

NAGHABILIN na sa mga mahal sa buhay ang veteran show biz columnist at talent manager na si Lolit Solis na kung sakaling sumakabilang-buhay siya ay isama na rin sa cremation niya ang alagang aso.

Sa Instagram, sinabi ni Lolit na matanda na ang fur baby niya na si Jokjok pero kung mauuna siya rito ay “patulugin” na rin ito at isama sa kanya.

“Pag nauna ako kay Jokjok ang favorite dog ko, pa sleep na siya at isama sa akin sa cremation ko. Dahil old dog na siya, sana mauna na lang ako at magsama na kami ni Jokjok,” ani Lolit.

Samantala, sinabi ng kolumnista na hindi pa rin niya matanggap na may sakit siya at habambuhay na siyang sasailalim sa dialysis.

“Nagpri pretend nga ako na parang wala lang, pero kung minsan nadi depress ako.

“Hindi ko na magawa ang usual na ginagawa ko, naiba narin ang sked ko dahil sa dialysis. Isang araw dialysis, isang araw pahinga, twice a week na dialysis, plus dalawang araw pahinga, 4 days na agad nawala sa akin. Iba na talaga takbo ng buhay ko, iba na.

“Minsan tanggap ko, minsan parang naiinis ako, minsan nasa sad ako…I feel sad sometimes, pero tanggap ko rin na wala na akong magagawa, so ok na lang,” ani Lolit.