Loisa, Ronnie hindi takot mamatay

NAGING emosyonal ang Kapamilya actress na si Loisa Andalio nang ibahagi ang panahong nais na niyang sumuko sa buhay.

“Ako, hindi po ako takot mamatay kasi dumaan na rin ako sa point na gusto ko na rin (mamatay)… Dumating ako sa point na ‘di ko na kaya, na parang okay lang na wala ako kasi ang hirap,” pag-aamin ni Loisa sa isang panayam.

“Pero nung na-realize ko na baka tinatapik lang ako ni Lord, baka nawawala ka na sa landas mo, dun ako nabuhayan na hindi pala ako dapat manghihina dahil sa ibang tao,” pagpapatuloy niya.

Binanggit din niya ang sagot ng beteranang aktres na si Lotlot de Leon na alam na ng Diyos ang mangyayari sa atin bago pa man tayo isilang.

“’Yung mga nangyari pala sa akin, alam na ni Lord ‘yan bago pa mangyari. Ang importante saan ka bang pupuntang way. Nanininiwala po ako na malaki o maliit na kasalanan, sa mata ng Diyos, iisa lang ‘yan. Once na tinanggap mo si Lord sa buhay mo, sigurado sa heaven ka mapupunta,” chika niya.

Gayundin ang naging pahayag ng boyfriend ni Loisa na si Ronnie Alonte.

“Hindi po ako takot mamatay. Handa po ako kung kailan man ‘yan dumating. Masaya po ako kasi tanggap ko na anytime pwede akong mawala (at) sa langit ako mapupunta,” sey ng aktor.