Leeg ni Katrina Halili nanigas, di naigalaw

INAMIN ng aktres na si Katrina Halili na nagkaroon siya ng sakit habang naka-lock in taping para sa isang teleserye ng GMA-7.


Sa panayam ng isang entertainment website, sinabi ni Katrina na isang buwan at kalahati niyang hindi naigalaw ang nanigas niyang leeg.


Ngayon ay maayos na aniya ang kanyang lagay matapos magpatingin sa doktor.


Hindi naman niya sinabi kung ano ang kanyang naging karamdaman.


“Nagpa-MRI po ako, and nagpa-EMG po ako. Dito sa neck ko ‘yung nagkaproblem tapos sa nerves ko. Binigyan lang po ako ng gamot,” kuwento ni Katrina.


“Sa ngayon, wala na akong maintenance, okay na po ako. Nung December po natapos na ‘yung gamot ko, so okay na po,” dagdag niya.


Habang nagte-taping ng Prima Donnas ay masama na aniya ang kanyang pakiramdam.


“Tiniis ko na lang po kasi ayokong maging cause ng problema sa Prima Donnas,” ani Katrina. “Ayokong mag-stop ng taping kasi alam ko ang dami pang kukunan. So, hinintay ko po ‘yung uuwi kami ng 28.”


Pero nang malaman niya na extended ang taping ay nagpaalam na siya para magpatingin sa doktor.


“Talagang alarming kasi naninigas na po siya. Tapos giniginaw na po ako. Doble-doble na po ‘yung suot. As in sa legs, may jacket na, may gloves pa. As in ganun na po ako sa taping,” dagdag ng aktres.