Roosevelt Avenue no more: Fernando Poe Jr. Avenue na

PINIRMAHAN na ni Pangulong Duterte bilang ganap na batas ang Republic Act 11608 na kung saan papalitan na ang Roosevelt Avenue sa Quezon City bilang FPJ Ave. bilang parangal sa yumaong National Artist for Film na si Fernando Poe Jr.

Pinirmahan ni Duterte ang batas noong Disyembre 10, 2021, bagamat nitong Huwebes, Enero 13, lamang inilabas sa media.

Maaaring ipangalan ang isang kalsada, plaza o anumang pampublikong lugar sa isang tao o sa isang pamilya bilang pagkilala sa kanyang kontrobusyon sa bansa.