Sue Ramirez tinotoo pagbatok kay Jodi Sta. Maria

ISINIWALAT ng aktres na si Sue Ramirez na tinotoo niya ang pagbatok kay Jodi Sta. Maria sa isang eksena ng kanilang teleserye na The Broken Marriage Vow.


Kwento ni Sue, noong una ay atubili siyang gawin ang eksena pero binigyan siya ng go-signal ni Jodi na gawing makatotohanan ang pagbatok.


“Ang laki ng pressure sa akin. Batok talaga? Nakakaloka!” ani Sue.


“I was really hesitant to do it. I wanted na i-jerk. Kaya naman siguro naming i-acting na lang ni Ate Jodi. Pero she told me na, ‘Sue, gawin mo. Gawin mo talaga. Okay lang ako’,” dagdag niya.


“I was really scared. Ang liit kaya ng ulo ni Ate Jodi! Ga-munggo po siya. Konting pagkakamali, ulo iyon! Bawal nga masahihin ang batok ‘tapos mambabatok pa ako,” sabi pa ng aktres.


Kuwento pa niya, nagawa nila ang eksena sa isang take.


“Kailangan ko siya gawin kasi ginawa siya sa lahat ng versions ng Doctor Foster, so bongga iyong eksena na iyon. Crucial siya. Nakuha namin in one take. Tinotoo talaga na batok. May alalay nang malala pero kinailangan talaga dumikit para maganda rin iyong pagkahulog ng ulo ni Ate Jodi,” aniya pa. –A. Mae Rodriguez