Kris Aquino, Bimby, Mark Leviste magkasama sa Easter Sunday

IPINAGDIWANG ng “Queen of All Media” na si Kris Aquino ang kanyang Easter Sunday kasama ang kanyang anak na si Bimby at manliligaw na si Mark Leviste at ilang mga kaibigan.

Sa kanyang official fan account sa Twitter na @Kris Aquino World, nagbigay ito ng update sa kalagayan ng aktres habang kasama ang ilang kaibigan habang nagsa-shopping.

Kita rin sa mga larawan na maganda ang kalagayan ng kalusugan ni Kris, ang kanyang unang public appearance matapos ang ilang buwan.

“Easter Sunday with Kris Aquino, Bimby, @markleviste, and Michael Leyva,” caption ng fan account .

Screengrab from Kris Aquino World/Twitter

Noong isang linggo, nagbigay naman si Bimby ng update tungkol sa ina. Sabi nito na stable ang kondisyon ng aktres bagamat patuloy ang isinasagawang treatment para sa kanyang autoimmune diseases.