Katrina sa namayapang BF: Goodbye is not forever

MADAMDAMIN ang naging pamamaalam ng aktres na si Katrina Halili sa kanyang kasintahan na si dating Wao, Lanao Del Sur Vice Mayor Jeremy Guiab, na sumakabilang-buhay noong nakaraang linggo.

Sa kanyang Instagram, shinare ng aktres ang isang reel na nagtampok ng mga sweet moments nila ni Jeremy.

“Goodbye is not forever. Goodbye is not the end. It simply means I’ll miss you until we meet again,” caption ni Katrina.

Matatandaan na noong July ay isiniwalat ni Katrina na mayroon siyang karelasyon.

Hindi naman niya pinangalanan ang lalaki na aniya ay karamay niya sa pagpapalaki sa anak na si Katie.

Matatandaan na namatay si Guiab sa atake sa puso sa bahay ni Katrina sa Quezon City noong January 28.

Siya ay 53.