Kathryn maraming ‘resibo’ vs Daniel Padilla

KUNG si Ogie Diaz ang tatanungin, wala nang pag-asang magkabalikan sa ngayon ang dating magkasintahan na sina Daniel Padilla si Kathryn Bernardo.

Sa kanyang “Showbiz Update,” isiniwalat ni Ogie na marami umanong hawak si Kathryn na mga ebidensya ng panloloko ni Daniel.

“Feeling ko for now malabo kasi nakarating sa akin na marami daw hawak na resibo si Kathryn,” aniya.

Hindi naman idinetalye ng source ni Ogie kung ano-ano ang mga ebidensya at kung sinong mga babae ang involved.