Julie Anne tinanggalan ng ‘pop icon’ title

PINALITAN na ng GMA-7 ang tag ng singer na si Julie Anne San Jose sa singing reality show na “The Voice Generations” makaraan siyang ma-bash nang husto sa social media.

Mula sa “The Pop Icon Coach” ay ginawang “The Limitless Star Coach” ang title.

Matatandaan na binagyo ng puna ang post ng Kapuso network ukol sa reality show nang tawagin nito si Julie Ann bilang “Pop Icon,” ang taguri ng publiko sa singer-actress na si Jolina Magdangal.

Pero kahit iniba na ang tag kay Julie Anne, hindi pa rin ito tinatantanan ng bashers.

“Actually kahit yung Asia’s limitless Star di rin bagay sa kanya, dito nga di yan sikat Asia pa kaya and wala syang napasikat na kanta so please lang.”

Pop Icon pa kasing nalalaman hindi nga yan maka soldout ng concert kahit Music Museum lang Lol.”

“Kasi bakit pop icon – kahit sensation di nga e lol.”

“Push na push nga ng GMA to pero wala pa ding star appeal sa true lang.”